Grade 6 pupil inabuso ni coach

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni: Leandro Alborote

TARLAC CITY – Labis na na-trauma ang isang Grade 6 pupil matapos siyang paulit-ulit na abusuhin ng kanyang badminton coach sa isang paaralan sa Tarlac City.

Kinilala ni PO2 Janeth Galutan ang suspek na si Arnold Bayno, 38, binata, dating utility worker at ngayon ay coach ng badminton team ng eskuwelahan sa Tarlac, at taga-Barangay Balaoang, Paniqui, Tarlac.

Ayon sa report, sa Principal’s Office umano inabuso ni Bayno ang bata, na bagamat pinagbantaan niyang papatayin, sa huli ay hindi na ito nakatiis at nagsumbong sa mga guro at mga magulang.

Nagawang magtago ni Bayno ngunit kalaunan ay naaresto rin.