15 sugarol pinagdadampot

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni: Light A. Nolasco

STO. DOMINGO, Nueva Ecija – Labinglima katao ang naaresto sa kampanya ng pulisya ng Sto. Domingo, Nueva Ecija, laban sa ilegal na sugal sa Purok 5, Barangay Sto. Rosario.

Sa ulat ni Chief Insp. Erwin Ferry, OIC ng Sto. Domingo Police, kinilala ang mga naaresto na sina Melanio Quidawen, 42; Cecilio Español Jr., 47; Arthur Cachera, 47; Enrico Francisco, 31; Leo Dumaya, 42; Joenard Dacanay, 46; Eugene Labaupa, 37, pawang taga-Bgy. Sto. Rosario.

Arestado rin sina Jonathan Cabute, 38; Froilan Pasubillo, 22; Wendell Padao, 38; Jesus Pasubillo, 55;
Jerry Labayan, 45; Abelardo Pacol, 35; Jackson Daduyo, 36, pawang residente ng Bgy. Sto. Rosario; at si Harold Cabute, 36, ng Bgy. Baloc.

Dakong 2:00 ng hapon nitong Linggo nang isagawa ang operasyon sa bahay ni Regilado Labaupa, 81, at nakumpiska ng pulisya ang limang set ng baraha, P3,802 na taya, at iba pang paraphernalia.