Kasalang Jessy-Luis, lalo pang umugong

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni ADOR SALUTA

LALONG lumalakas ang duda ng Vilmanians na may bahid ng katotohanan ang lumabas na balita kamakailan na pinag-uusapan na ang pagpapakasal nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

JESSY AT LUIS copy

Nitong nakaraang Linggo kasi, nagpaumanhin si Congresswoman Vilma Santos sa pangulo ng Vilma Santos Solid International (VSSI) na si Jojo Lim na hindi siya makakarating sa inorganisang dinner para sa 39th anniversary ng kanyang only fans club sa Tramway Timog.

Ang dahilan, may kasabay na dinner meeting ang Star for All Seasons sa ilang kamag-anak galing US.

Dahil physically absent, idinaan na lamang sa phone patch para makapiling pa rin ni Ate Vi ang kanyang loyal fans na dumating sa dinner na umabot sa mahigit isandaan.

“Pansensiya na, paumanhin po sa lahat, it’s a Sunday at alam n’yo namang lahat na it’s a family day, so inasikaso ko muna sila, mga galing sa Amerika,” paumanhin ng premyadong actress/public servant.

At, heto na, ang sabi pa’y imi-meet daw ng kanyang mga kamag-anak na balikbayan ang girlfriend ng kanyang panganay, at sino pa nga ba kundi si Jessy Mendiola. Pero agad klinaro ni Ate Vi na hindi naman kasalan ang pag-uusapan, hiniling daw ng mga bisita na makasama sa dinner ang dalawa.

Nangako si Ate Vi na uulitin ang dinner with VSSI ‘pag nagkaroon sila ng break sa Congress.

Sa question and answer portion, isa sa Vilmanians ang nagtanong kay Ate Vi kung sabik na ba siyang magkaapo at kung kailan siya bibigyan ng apo ni Luis.

“Hindi ako ang dapat magsabi n’yan, dapat sila ang lalapit sa akin at sasabihin kung kailan… kung kailan ako magkakaroon ng apo?” sabay tawa ni Cong. Vi sa kabilang linya ng telepono.

Hayun, kahit klinaro nang hindi naman kasal nina Luis at Jessy ang pag-uusapan sa dinner ng mga kamag-anak galing US, iyon pa rin naman ang naging usap-usapan.

  • MarianoRivero

    Nakakasuka na ‘yang pralala na ‘yan ng mga tabloid writers na base sa imahinasyon lang.