Alden at Maine, ‘di maamin ang relasyon

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed
Alden at Maine

Alden at Maine

Ni REGGEE BONOAN

HOW true, isa pang ayaw umamin sa publiko ay itong sina Maine Mendoza at Alden Richards.

Tiyak maraming kokontra sa item naming ito dahil pinalalabas na may ibang boyfriend si Maine samantalang si Alden naman ay natsitsismis na bading pero sinisiraan din sa latest issue na may anak naman daw at itinatanggi na ng binata.

Ang totoo pala ay na-develop na si Alden kay Maine noong kainitan ng love team nila pero hindi raw boto ang magulang ng dalaga sa aktor kaya nagkaroon ng gusot ang dalawa.

Hmmm, ito pala ‘yung tsikang maghihiwalay na ang AlDub dahil sa kawing-kawing na gulo sa kanilang dalawa.

Pero palagi pa ring magkasama sina Maine at Alden dahil sila ang hinahanap ng tao at ng show producers.

At ito ang latest tsika sa amin, “Ang na-observe namin ay sina Maine at Alden na kasi sa Eat Bulaga off-cam ay sobrang sweet nila at alam ito ng mga taga-production at mga kasamahan nila sa show.”

Tinanong namin ang source kung bakit hindi pa umaamin, “Hindi nga boto ang parents ni Girl, di ba?”

Sabi namin, nasa hustong edad na si Maine at siguro naman ay kaya siyang buhayin ni Alden though mas mayaman talaga ang dalaga dahil tiyak na bilyones na ang kinita nito sa product endorsements niya at marami pang nakapila na hindi pa kayang i-accommodate.

“Basta obserbahan mo sina Maine at Alden kapag nakita mo sila,” panghahamon sa amin.

Hmmm, kailangan pa ba, e, sangkaterba na ang nagkuwento sa amin na nagkainlaban na talaga ang AlDub at iba-ibang tao sila.

  • Tweety

    Sa wakas na link na din.lol

  • Tweety

    Maybe you should watch more fan videos of Maine’s parents so you can see how they like Alden for Maine.

  • Broadminded

    Paano mo nalamang hindi boto? Obviously mga taong nagsusulat at nagkakalat ng half truth news ay hindi talaga followers ng Aldub (kahit nga sa picture na ginamit n’yo pang-last year pa) … Pero at least na-link na din sa wakas…kaso MAY MALI…hehehe…research more….