School building gumuho, 2 patay

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

MINNEAPOLIS (AP) – Isa pang bangkay ang nahukay sa gumuhong gusali ng paaralan sa Minneapolis matapos ang pagsabog na ikinasugat ng iba pa nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ni City Fire Chief John Fruetel.

Nangyari ang pagsabog dakong alas-otso ng gabi sa utility ng Minnehaha Academy habang naglalaro ang mga estudyante ng soccer at basketball. Nagtatrabaho ang contractors sa isa sa mga gusali ng paaralan nang mangyari ang pagsabog, na pinaniniwalaang nagmula sa pagsabog ng natural gas.

Namatay sa insidente si Ruth Berg, 17 taon nang receptionist sa eskuwelahan.

Iniulat namang nawawala si John Carlson, 81-anyos na part-time janitor, ng paaralan. Hindi pa tinutukoy kung siya ang ikalawang bangkay na natagpuan.

Apat na biktima ang nananatili sa ospital, at isa ang kritikal sa Hennepin County Medical Center sa Minneapolis.