• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Vilma Santos, 40th Gawad Urian Lifetime awardee

Balita Online by Balita Online
July 22, 2017
in Features, Showbiz atbp.
0
Vilma Santos, 40th Gawad Urian Lifetime awardee
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni JIMI ESCALA

MARAMI ang nag-akalang hindi sisipot si Vilma Santos sa 40th Gawad Urian na ginanap sa ABS-CBN nitong nakaraang Huwebes ng gabi. Inisnab daw kasi ng Urian ang pinag-usapang acting ni Ate Vi sa All About Her na limang best actress awards na naibibigay sa Star for All Seasons.

VILMA copy

Kaya marami ang nagulat na kahit kararating lang galing America ay present ang beauty ni Ate Vi sa Gawad Urian night para tanggapin ang Gawad Urian Lifetime Achievement Award.

Ayon kay Ate Vi, malaki ang utang na loob niya sa Urian sa pagkilala sa kanya simula pa noon at magpahangang ngayon.

Katunayan, walong best actress awards na ang napanalunan niya sa nasabing award-giving body.

“I guess I am lucky enough to be given eight awards kaya iyon lang, eh, dapat ko nang ipagpasalamat sa Urian,” sey ni Cong. Vi.

Aniya pa, malaking bagay para sa kanya ang panibagong karangalang ibinigay sa kanya ng Urian. Kahit nasa pulitika na raw siya ngayon, iba pa rin ang pakiramdam niya sa tuwing nakakatanggap siya ng parangal sa pagiging aktres niya.

Kahit mas abala na siya sa pagiging public servant, hindi pa rin niya nakakalimutan ang industriyang kinalalakihan niya — ang industriya ng pelikula at telebisyon.

Kasabay ring pinasalamatan ni Ate Vi ang The Eddys na siya rin ang hinirang na best actress, pero hindi niya personal na natanggap ang kanyang tropeo dahil nasa America siya noon.

Hindi rin niya nakalimutang banggitin ang Vilmanians na palaging nakasuporta sa kanya sa showbiz man o sa pulitika.

“Kaysarap ng pakiramdam dahil sa mga Vilmanians ko na walang sawa ang suporta na ibinibigay nila sa akin. Sa totoo lang naman, sobrang suwerte pa rin naman ako dahil andyan pa rin sila,” lahad pa ng Star for All Seasons.

Samantala, sa darating na Star Awards for Movies na gaganapin sa September 3 ay muling nominado si Ate Vi para pa rin All About Her at sila pa rin ng kumare niyang si Nora Aunor ang mahigpit na magkalaban.

“Kami naman ni Kumare, eh, graduate na kami riyan. Kumbaga, kung sinuman ang mananalo, eh, happy kami for sure,” pahayag ni Ate Vi.

Tags: nora aunorVilma Santos
Previous Post

Hiwalay na ML vote ng Senado tinabla ni Koko

Next Post

Papeles ng Uber, Grab nawawala

Next Post

Papeles ng Uber, Grab nawawala

Broom Broom Balita

  • PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card
  • Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz
  • Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU
  • 103 Covid-19 cases sa PH, naitala nitong Mayo 18 — DOH
  • Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh
PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card

PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card

May 19, 2022
Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz

Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz

May 19, 2022
Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU

Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU

May 18, 2022
Daily average cases ng Covid-19, ‘di na umaabot sa 400

103 Covid-19 cases sa PH, naitala nitong Mayo 18 — DOH

May 18, 2022
Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

May 18, 2022
Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

May 18, 2022
Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

May 18, 2022
DOH, maari pa ring managot ukol sa P67-B fund deficiency –Escudero

Chiz Escudero, umapela ng ‘healing’ sa mga Pilipino para sa kapakanan ng bansa

May 18, 2022
2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

May 18, 2022
500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

May 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.