Raagas, OIC ng BuCor

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Ni: Bella Gamotea

Pansamantalang pamumunuan ni Rey M. Raagas ang Bureau of Corrections (BuCor) matapos magbitiw si Director General Benjamin Delos Santos dahil sa panunumbalik ng kalakalan ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Si Raagas, nagsisilbing BuCor Administrative Division chief, ay itinalaga ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II bilang Officer-in-Charge ng BuCor sa bisa ng Department Order 477.