Maxine Medina, nag-artista na

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NORA CALDERON

TULUYAN nang pinasok ni Bb. Pilipinas Universe 2016 Maxine Medina ang showbiz ngayong tapos na ang reign niya. 

May hilig ding mag-artista, tulad ng pinsang si Diane Medina, nag-sign na siya ng contract sa OctoArts Films ni Boss Orly Ilacad. Ang boyfriend ni Maxine na si Marx Topacio ay nakagawa na ng ilang projects sa GMA-7, gumanap siya sa Encantadia bilang lover ni Sang’gre Pirena (Glaiza de Castro). Mahaba rin ang exposure ni Marx bago nagtapos ang telefantasya.

Bb Phl Universe Maxine Medina copy

Sa pagpirma ng contract ni Maxine, in-announce na ni Boss Orly na may gagawin na siyang pelikula, ang The Haunted:

Spirit of the Glass 2 na ididirehe ni Jose Javier Reyes. Makakasama niya sina Cristine Reyes, Ashley Ortega, at ang TV commercial models na sina Enrico Cuenca at Yugy Rumas, na kasabay ding pumirma ng contract ni Maxine.

Muli raw magiging active sa paggawa ng movies ang OctoArts Films, bagamat hindi naman sila humihinto ng pagko-co-produce kina Vic Sotto (M-Zet Productions) at kay Mr. Tony Tuviera (APT Entertainment, Inc.) kapag may ginagawa silang movie, lalo na sa entries nila sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Tulad this year, co-producers silang muli sa MMFF ng Love Traps #Family Goals na pagbibidahan nina Vic Sotto at Dawn Zulueta sa direksiyon ni Tony Y. Reyes. Tiyak na co-producer din sila sa inihahanda nang second movie nina Alden Richards at Maine Mendoza na muling ididirek ni Mike Tuviera na siya ring nagdirek ng first solo blockbuster movie nilang Imagine You & Me.

Muli rin daw tutuklas ng mga bagong artista si Boss Orly para sa mga coming productions na gagawin nila.