Julia at Joshua, halatang may relasyon na

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni: Reggee Bonoan

MUKHANG may relasyon na talaga sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Paulit-ulit kasi silang nakikita ng non-showbiz friends namin na nagma-malling tulad sa Shangri-La Edsa Plaza na magka-holding hands at sweet talaga sa isa’t isa.

JULIA AT JOSHUA copy copy

“Hindi na relasyon ng magkaibigan o nagliligawan ‘yun, sila na talaga base na rin sa body language at tinginan nila,” sabi ng kaibigan namin na nakita nang malapitan at sinundan-sundan pa ang dalawa.

Kamakailan ay muling nakita ang dalawa sa UP Town Center at parehong may suot na facial masks at twinning pa dahil parehong naka-jacket ng maong.

Natatandaan namin noong tinatanong si Joshua tungkol sa kanila ni Julia na panay ang iling niya, hindi raw sila at magkaibigan lang, pero ngayon siguro ay hindi na itatanggi ng dalawa kung ano ang real score nila, di ba, Bossing DMB?

(Ganito para magkaalaman na. Mico del Rosario, padalaw naman kami sa taping nina Julia at Joshua ng A Love To Last, please… –DMB)

May crush at gusto ni Joshua si Julia na noon ay may ibang gusto. Pero ang lalaking gusto ng dalaga ay may ibang karelasyon, kaya siguro nabaling na rin kay Joshua ang atensiyon niya dahil parati naman itong nasa tabi niya at lovable din naman talaga.