Jessy, ‘di na mapapanood sa ‘Banana Sundae’

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni JIMI ESCALA

KAY Luis Manzano namin nalaman na hindi na mapapanood sa ABS-CBN gag show na Banana Sundae si Jessy Mendiola. Pero agad niyang nilinaw na hindi tinanggal sa show ang kasintahan.

JESSY copy

Sabi ni Luis, tiyak daw kasi iyon na naman ang maglalabasang espekulasyon, na kesyo inalis si Jessy dahil sa insidenteng tumutol ang huli sa ipinapasuot na seksing kasuotan. 

Paglilinaw mismo ni Jessy sa isang interview, bakit naman daw niya aayawan ang ipinapasuot sa kanya gayong sa dati na namang sexy attires ang suot-suot niya maging sa production numbers ng ASAP.

Inamin ni Luis na nagkaroon daw ng hindi pagkakaunawaan si Jessy at ang isa sa mga namamahala ng mga isusuot ng mga artista sa Banana Sundae. 

Malapit na kaibigan din naman ni Luis ang nakaalitan ni Jessy kaya siya na rin mismo ang pumagitna sa tampuhan ng dalawa kaya naisaayos din naman agad ang hindi pagkakaunawan.

Dagdag pa ni Luis, sumama ang loob ni Jessy at napaiyak pa nga raw dahil sa nangyari. Sensitive daw kasi sa mga ganoong isyu si Jessy na hindi sanay na tinataasan ng boses at basta na lang tinatalikuran na hindi naibibigay ang kanyang side.

Samantala, ngayong wala na sa Banana Sundae si Jessy ay may mga bagong proyektong gagawin ang aktres sa Dos at may uumpisahan na ring pelikula.