Eskuwelahan, smoke free zone

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Ni: Mary Ann Santiago

Idineklara ng Department of Education (DepEd) na smoke free zone ang lahat ng paaralang elementarya at high school sa bansa.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ito ay tugon sa Executive Order No. 26 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapatupad ng nationwide smoking ban, epektibo sa Hulyo 23.

Ipinag-uutos din ni Briones sa lahat ng school superintendent, principal at iba pang opisyal ang pagbabawal sa anumang uri ng bisyo, tulad ng pagsusugal, sa loob ng paaralan.