Erich, ni-reject ang imbitasyong coffee date ng negosyante

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni REGGEE BONOAN

ANG laki siguro ng panghihinayang ni Xian Gaza, ang negosyante na nagpahayag na gustong maka-coffee date si Erich Gonzales sa pamamagitan ng pagrenta ng malaking billboard sa Morayta Avenue, Manila dahil hindi ito mangyayari kailanman.

Nagpahayag na si Erich nang kapanayamin ng ABS-CBN news na posible pa sana niyang pagbigyan ang imbitasyon ni Xian, pero nang maglabasan na ang lahat ng mga negatibong komento sa negosyante, bukod pa sa mga long messages na ipino-post ng binatang ama sa sariling social media account, hindi na siya naging komportable.

Erich lang copy copy

“Parang naging uncomfortable ako. After talking to my family and my closest friends, I decided not to meet him na lang,” pahayag ng aktres.

Pero ikinatuwa naman daw ni Erich ang effort ng negosyante.

“To be honest, regarding that issue, noong una, just like you guys, na-surprise ako. Natuwa naman ako sa effort. As things unfolded, lumabas ‘yung mga expose about him, ako naman kasi personally, lahat naman ng supporters ko naa-appreciate ko lahat ng ginagawa nila, malaking bagay o maliit man ‘yan,” paliwanag ng dalaga.

Nabanggit pa ng aktres na simple lang siyang tao at hindi kailangan ng sinumang gustong mag-imbita sa kanya ng date o magpakilala ng bonggang imbitasyon tulad ng billboard invitation.

Hindi itinanggi ni Erich na marami ang nagpaparamdam sa kanya ngayon, pero nasa ibang bagay pa ang atensiyon ng dalaga.

“May mga nagpaparamdam po pero wala muna. Ten years pa. Let’s just focus muna sa sarili, sa mga bagay na importante, sa pamilya. Right now, madami pong dahilan para maging masaya at maging grateful,” pahayag ni Erich.

Naka-monitor si Xian sa panayam kay Erich dahil nag-post ito sa FB account ng interview ng dalaga at ng sagot nito.

Post ni Xian, “cappucciNO!! Nyeeeaaamm! Gary Valenciano enters: ‘Kung walaaaaa ka naaang maintindihaaan……….

CREMATION: July 23, 2017 1PM, Taguig City

40 DAYS: August 26, 2017 7PM, Taguig City

BABANG LUKSA: July 17, 2018, To be announced.”

Samantala, nag-post din si Xian tungkol sa mga nangyari sa kanya nitong mga huling araw na nakatanggap siya ng masasakit na salita mula sa netizens.

“My great realization after all the hate that I am receiving, chewing and spitting out for the past two weeks is that unknowingly, all the deep-rooted-hatred inside my heart successfully consumed me.

“It lead me to being so much success-hungry that resulted to so much selfishness and greediness then lead me to intentionally and unintentionally compromising some lives. These bunch of hatred also lead me to posting a lot of mayabang things that should be kept private because I wanna prove to my past self — together with all the people who left and took advantage of me in the past na ito na ako ngayon after all my failures and after all what they did to me.

“Everything was rooted mula sa lahat ng galit ko sa sarili ko at sa mundo na kinimkim at inipon ko since my childhood days. Sadly, I realized it the hardest way possible by receiving from millions of people the very same thing that consumed me.

“Depressing reality is that it’s impossible for me to go back now to my past-full-of-flaws and correct everything.

All I can do now is to little by little learn to take away these bunch of deep-rooted-hatred long kept in my heart then start promoting love and goodness to myself and to everyone towards the greatest from of success — happiness.

Without proving anything to myself and to the world this time and most especially without stepping-on some lives again. Indeed, big. Lesson learned. Moving forward.”