60 sentimos bawas sa diesel

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ni: Bella Gamotea

Magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Flying V at Seaoil, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V at Seaoil, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ngayong Martes, Hulyo 18, ay magtatapyas ang mga ito ng 60 sentimos sa kada litro ng diesel, 50 sentimos sa kerosene, at 20 sentimos naman sa gasolina.

Agad namang sumunod sa kaparehong bawas-presyo sa petrolyo ang Pilipinas Shell at PTT Philippines, dakong 6:00 ng umaga ngayong araw.

Ang bagong bawas-presyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Hunyo 27 nang huling nagpatupad ng bawas-presyo sa petrolyo.