Flash flood sa canyon, 7 patay

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

TONTO NATIONAL FOREST, Arizona (AP) – Patay ang pitong katao at maraming iba pa ang nawawala nang biglang binaha ang isang sikat na swimming hole sa Arizona habang lumulublob ang daan-daang katao para maibsan ang tag-araw.

Naglabas ang meteorologists ng flash-flood warning sa paligid ng sikat na swimming area sa loob ng Tonto National Forest bago bumulwak ang tubig mula sa makipot na canyon nitong Sabado ng hapon.

Sinabi ng isang babae na naglalakad patungo sa swimming hole na nakita niya ang mga tao na kumakapit sa mga punongkahoy matapos rumagasa ang tubig sa karaniwang tahimik na Ellison Creek.

Kabilang sa mga namatay ang isang bata. Apat katao ang nasagip ng helicopter at dinala sa ospital para lunasan sa hypothermia.

Tinaya ng weather service na umaabot sa 1.5 pulgada ng ulan ang bumagsak sa lugar sa loob ng isang oras, at inabot ng 30 minuto bago makarating ang tubig sa paliguan.

“They had no warning. They heard a roar, and it was on top of them,’’ sabi ni Water Wheel Fire and Medical District Fire Chief Ron Sattelmaier.