Drug suspect nalagutan, ‘mata’ kinain ng daga

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ni: Jel Santos

Isang drug suspect ang natagpuang patay at nawawala ang isang mata sa loob ng isang barung-barong sa Malabon City kamakalawa, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Leanor Ruflo, 41, isa sa mga drug personality sa Barangay Tonsuya.

Si Ruflo, base sa mga report, ay natagpuang patay ng kanyang anak sa loob ng kanilang barung-barong sa P. Aquino Street, sa Bgy. Tonsuya, Malabon.

Ayon sa anak ni Leanor, si Miamor, 17, nawawala ang kaliwang mata ng kanyang nanay nang masilayan niya ito.

Gigisingin niya sana ang kanyang ina noong umagang iyon.

Nagulat sa nadiskubre, humingi siya ng saklolo. Agad nagpunta ang mga pulis sa kanilang bahay.

Sinabi ni Police Officer (PO2) Jose Germinal II, case investigator, maging sila ay nagulat nang makita ang bangkay.

Hinala nilang kinain ng daga ang mata ni Ruflo, ipinaliwanag na ang barung-barong ay malapit sa creek kung saan namamahay ang mga daga.

“The daughter of the victim told us that her mother was ill…We suspect that her left eye was eaten by rats after she died,” ani Germinal.

“We were shocked. It was our first time to see something like this,” aniya.