Carmina, ‘di babalik sa Siyete

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ni Nitz Miralles

PAREHONG possessive ang ABS-CBN at GMA-7 fans. Ayaw nilang mag-guest ang talents ng kani-kanilang paboritong network sa shows ng kabilang istasyon.

Gusto nila, ‘pag Kapamilya ka, sa ABS-CBN ka lang mapapanood. Ganu’n din ‘pag Kapuso ka, sa GMA-7 ka lang dapat mapanood.

Kaya may ilang pumalag nang mag-guest si Alex Medina sa Tadhana last Saturday dahil ang paniwala nila, sa ABS-CBN shows lang napanood ang aktor.

Carmina, kasama si Zoren at mga anak

Carmina, kasama si Zoren at mga anak

Nabulabog din ang Kapamilya fans nang makita sa teaser ng Road Trip ng GMA-7 na ang tampok ang pamilya nina Zoren Legaspi, Carmina Villaroel at mga anak na sina Mavy at Cassy. Tinanong agad ang aktres kung lumipat na siya sa GMA-7 at may nagpayo na huwag siyang lilipat dahil ‘pag lumipat siya, hindi na siya nito panonoorin.

Pinayapa ni Carmina ang Kapamilya fans, hindi siya lilipat dahil nag-guest lang sila ng kanyang pamilya sa Road Trip na isang TV special na mapapanood sa July 23 sa Sunday Night Box Office time slot. Sa Batanes pumunta ang pamilya nina Carmina at ipapakita ang kagandahan ng lugar.

Kasama rin sa Road Trip sina Kris Bernal, Arny Ross, Jinri Park at Meg Imperial na Viva Artist Agency talent at napapadalas ang labas sa shows ng GMA-7.