Banggaan ng roller coaster, 33 sugatan

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

MADRID (AP) – Nasugatan ang 33 katao, kabilang ang anim na batang 10 taon pababa, nang magbanggaan ng roller coaster sa Madrid.

Sinabi ng emergency services na 27 katao ang kinailangang gamutin sa ospital dahil sa mga tinamong pinsala nang magbanggaan ang dalawang bagong roller coaster nitong Linggo sa “Tren de la Mina” sa Parque de Atracciones theme park ng Madrid.

Sinabi ng mga kinatawan ng parke na pumasa ang mga roller coaster sa daily safety inspection nang umagang iyon.