Away ng ex-husband ni Sunshine Dizon at asawa ng kinakasama, sinusubaybayan na parang teleserye

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

IN the news ang ex-husband ni Sunshine Dizon na si Timothy Tan dahil sa panununtok kay Roberto Sison na husband ng babaeng naging dahilan ng paghihiwalay nilang mag-asawa.

sUNSHINE copy

Ang napansin ng viewers ng TV Patrol na exclusive na nag-report ng balita, dire-diretso ang kuwento ni Sison sa nangyari, samantalang nautal si Timothy. Nakita tuloy kung sino sa dalawa ang nagsasabi ng totoo at kita sa mukha ni Sison ang ebidensiya, may malaking bukol ito sa mukha.

Ang sabi ni Sison sa pulis, nagpanagpo sila sa restroom ng isang bar sa Quezon City. Sinuntok daw agad siya ni Timothy na ang sabi naman ay self-defense kaya niya sinuntok si Sison.

Pinagtatawanan ng netizens ang sinabi ni Timothy na “his wife was linked to me” gayong ang sabi naman ni Sison ay nagsasama na ang dalawa. Nabanggit din ng lawyer ni Sison na ini-stalk ni Timothy ang kanyang kliyente.

Maghaharap ngayong araw sina Sison at Timothy at tiyak na marami pang malalaman ang tao sa usaping ito. Feeling ng netizens, batay sa mga komento sa threads sa social media, bagong teleserye ang sinusubaybayan nila. May mga nag-uudyok na idemanda ni Sison si Timothy, makaganti man lang daw si Sunshine.

Nakakaaliw nga dahil nakokonek ng netizens, lalo na ‘yung sumusubaybay sa Ika-6 Na Utos ang latest na nangyayari kina Sunshine at ex-husband nito. Si Georgia (Ryza Cenon) daw ang may gawa ng away nina Sison at Timothy para masolo na nito si Rome (Gabby Concepcion) na sa teleserye ay ex-husband ni Emma (Sunshine).