70-anyos ‘nagbaril’ sa sentido

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ni: Mary Ann Santiago

Patay ang isang 70-anyos na lalaki matapos umanong magbaril sa sentido sa loob mismo ng kanyang kuwarto sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Rodrigo Maniti, ng 1353 Felix Huertas Street, Sta. Cruz.

Sa ulat ni PO1 Aaron John Nocum, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Station 3, naganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng biktima na matatagpuan sa ikalawang palapag ng bahay nito, dakong 9:30 ng gabi.

Ayon sa anak ng biktima, si Kristin Maniti, nasa loob siya ng kanyang kuwarto nang makarinig ng putok ng baril mula sa kuwarto ni Rodrigo.

Tumakbo umano siya sa kuwarto ng biktima at nakitang duguang nakabulagta ang ama at nagpasaklolo sa mga kasama niya sa bahay.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.