Isa pang daan sa pagpapakabanal

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

VATICAN (AFP) – Maaari nang ideklarang banal ang mga Kristiyano na inialay ang kanilang buhay para masagip ang iba, na pagsunod sa mga yapak at aral ni Jesus, sinabi ni Pope Francis nitong Martes.

“The heroic offering of life, suggested and sustained by charity, expresses a true, full and exemplary imitation of Christ,” saad sa Apostolic Letter ng papa.

Ang mga kandidato para sa beatification sa ilalim ng bagong pathway ay maaaring isama ang mga Kristiyano na umaruga sa mga maysakit at kalaunan ay namatay din sa sakit, iniulat ng Osservatore Romano, ang official journal ng Vatican.