‘Meant To Be,’ may Book 2

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

MAMAYA na ang finale ng Meant To Be, isa sa most successful series ng GMA-7 na pinagbidahan ni Barbie Forteza kasama sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj at Jak Roberto.

May nagbulong na sa amin kung sino sa apat na leading men ni Barbie ang pinili ni Billie (Barbie), pero ayaw naming mag-spoiler, panoorin n’yo na lang.

BARBIE AT 'MTB' BOYS copy copy

May mga rason kung bakit ang isa sa leading men ang napili ng writers, production staff at viewers para maging ka-meant to be ni Billie. Nakakalungkot lang na may kampo na hindi ‘yun matanggap at may online war pa nga ang fans.

May palitan ng masasakit na salita, hindi lang ang fans kundi maging ang kampo ng isa sa mga bida tungkol sa isa pa sa cast. May narinig pa kaming grupo ng fans na magboboykot dahil sa resulta, kaya ang dapat na live finale ay hindi na itinuloy ng GMA-7. Baka nga naman mag-aaway-away ang fans. Kaya lang, dahil sa nangyari, pare-pareho silang nganga dahil hindi nila mapapanood nang live ang ending. Kung may nakapunta man sa last taping, iilan lang.

Sana lang, manaig ang friendship, lalo na sa main cast at huwag silang magpapadala sa sulsol ng fans. Show lang ito at may mga darating pang ibang show na gagawin nila at may makakasama silang ibang artista.

Hindi rin maganda kung masisira ang friendship ng main cast dahil lang sa success ng Meant To Be. Dapat, sama-sama silang nagsi-celebrate at hindi nagkakanya-kanya. Dapat ding ipaintindi sa kanila (lalo na ang nagrereklamo) na hindi lang isa kundi ang buong cast ang rason kung bakit successful ang airing ng series.

Paano kung matuloy ang Book 2 na sila pa rin ang nasa cast, magdededmahan at magpaplastikan sina Barbie, Jak, Ivan, Addy at Ken sa taping? Ang pangit kung ganoon ang mangyayari at baka hindi na ituloy ang Book 2.

Ang nabanggit ni Direk LA Madridejos, this year ang gusto ng GMA-7 na magkaroon ng Book 2 ang Meant To Be, same cast but different story and different director. Magiging busy kasi siya sa pagdidirehe ng The Good Teacher ni Marian Rivera.