Van, nanagasa; 1 patay 10, sugatan

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

LONDON (AP) – Inararo ng isang sasakyan ang mga taong naglalakad malapit sa isang moske sa hilaga ng London kahapon ng umaga, na ikinamatay ng isang lalaki at ikinasugat ng 10 iba pa.

Naaresto ng pulisya ang 48-anyos na driver ng van at isasailalim sa mental health evaluation.

Nangyari ang insidente ilang sandali makalipas ang hatinggabi habang palabas ang mga mananampalatayang Muslim sa moske sa Finsbury Park matapos ang mga panalangin para sa Ramadan.

Sinabi ng mga saksi sa Sky News at iba pang British media na tila sinadya ng van na lumihis sa kalsada at sagasaan ang mga tao. Sinilip ng pulisya ang posibleng anggulo ng terorismo.

Sinabi ni Mohammed Shafiq ng Ramadhan Foundation, isang samahan ng mga Muslim, na batay sa pahayag ng mga saksi, lumalabas na ito ay “deliberate attack against innocent Muslims.”