Ria Atayde, nagpakitang-gilas sa ending ng ‘My Dear Heart’

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni: Reggee Bonoan

MARAMING pinahanga si Ria Atayde bilang Dra. Guia Divinagracia sa pagtatapos ng My Dear Heart noong Biyernes dahil sa pagtangis niya sa pagkamatay ng inang si Dra. Margaret Divinagracia (Ms. Coney Reyes) bilang kapalit naman na mabuhay ang anak niyang si Heart (Nayomi Ramos).

Kahit hindi magkasundo ang mag-inang Margaret at Guia, hindi pa rin ‘bato’ ang puso ng huli para hindi iyakan ang pagkamatay ng ina.

Ria atayde copy

Nang ibalita naman kay Guia na buhay ang anak niyang si Heart ay lalo siyang napaiyak sa magkahalu-halong emosyon.

Mahusay na naibigay ni Ria ang napakahirap na sitwasyon ng karakter niya.

Binawi ni Guia si Heart kina Jude (Zanjoe Marudo) at Clara (Bela Padilla) na ayaw sana noong una dahil nga sila naman ang nagpalaki sa bata, pero bilang tunay na ina ay idadaan ito sa korte na ayaw namang mangyari ng mga magulang ng bata kaya napagkasunduang dadalaw-dalawin na lang nila ang bagets.

Naging magkaibigan sina Guia, Jude at Clara kaya ang saya-saya ni Heart na magkakasundo na ang mga magulang niya.
Pinuntahan din ni Heart si Doc Francis Camillus (Eric Quizon) para pasalamatan dahil sa ginawa nitong panggugulo at planong pagpatay ay hindi makikilala ng una kung sino ang tunay niyang ina.

Ito pala ang twist na sinasabi ni Direk Jojo Saguin sa thanksgiving presscon ng My Dear Heart na hindi pa puwedeng i-reveal bilang panggulat sa viewers sa pagtatapos ng serye, mamamatay pala si Coney na first time nangyari sa mga teleserye nito sa Dreamscape Entertainment.

Kadalasan kasi ay masama ang karakter ni Coney na sa huli ay may redeeming factor tulad sa 100 Days at Nathaniel.

Anyway, congratulations sa Dreamscape Entertainment at sa buong team ng My Dear Heart sa mataas na ratings at magandang wakas ng serye.