Luis, ginawang katatawanan ang namagang paa

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Luis copy copy

NAKAKALOKA si Luis Manzano, na-sprain na nga ang right foot at magang-maga, batay sa picture na ipinost niya, nakuha pang magpatawa.

Post ni Luis sa Instagram: “Hello Sprain, mo-ka!! (gusto ko sanang sabihin na sprain ako dahil may mga tinulungan ako sa nasusunog na building kaso ang totoo, namali lang ako ng tapak mula sa mataas ng sidewalk… shet).”

Sinundan ito ng isa pang post, at sabi, “So yes, I have a fractured foot with quite a long healing time ahead of me with different casts plus chance that surgery might be needed… oh well…f*ck (‘wag kayong mag-alala, hindi naapektuhan kaguwapuhan ko, relax).”

Nagpakilig sa fans nina Luis at Jessy Mendiola ang comment ni Jessy na, “Kawawa naman Lo ko.”

Hayun, nabuking na “love” ang term of endearment ng dalawa. (Nitz Miralles)