Kathryn, ‘di pa inaalok para sa role bilang Darna

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

kathryn-copy-copy

KAHIT lumabas na ang mga balitang si Kathryn Bernardo na ang napili para gumanap bilang susunod na Darna, ayon sa Kapamilya actress ay wala pa namang nakakarating na offer sa kanya hinggil sa nasabing proyekto.

Pero inamin ni Kathryn na kagaya ng mga kasamahan niya, pangarap din naman niyang gumanap bilang superhero sa pelikula man o sa telebisyon. Saka mariing sinabi na hindi sumagi sa isip niya na siya na ang gaganap bilang Darna ng Star Cinema.

“Sa ngayon talaga, eh, sabi pa naman sa akin, eh, La Luna Sangre ang pagkakaabalahan ko. Kaya nga sunud-sunod ang training namin para sa . Siguro nga, eh, dream ko rin namang maging superhero,” sey ng sikat na aktres.

Nang tanggihan ni Angel Locsin ang Darna project ay maraming pangalan ng mga aktres ang naglabasan na sinasabing puwedeng gumanap sa nasabing papel. Mula sa mga pangalan iyon, ang napili na nga raw ng Star Cinema ay si Kathryn Bernardo.

“Sa totooo lang naman, eh, marami rin naman talaga ang may gusto sa role na ‘yun. Ako, eh, gusto kong lumilipad, ganyan ang feeling ko, pero marami kasing kinu-consider sila ni Mr. M (Johnny Manahan).

“Kumbaga, depende pa rin naman ‘yun sa kanila at sa mga taong nasa produksiyon,” katwiran ni Kath.

Kung sa kanya nga ipagkatiwala ang role bilang Darna, nakahanda ba siya?

“Well, hindi ko alam, ang dami pang p’wedeng mangyari, basta kung sinuman ang magiging next Darna, eh, sobrang napakasuwerte niya,” napatawang banggit ng aktres.