Gil Cuerva, agad minahal ng press people

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Jen copy copy

NAPATUNAYAN namin na totoo nga ang kuwento nina Jennylyn Mercado, Christian Bautista at iba pang cast ng My Love From The Star na mabait si Gil Cuerva.

Likas ang kabaitan ng binata at ramdam mong pinalaki siya ng maayos ng kanyang mga magulang.

Napansin namin sa grand presscon ng kanilang TV series last Thursday night na siya mismo ang lumapit sa press people, nagpakilala at nakipagkilala, at nakipagkamay.

For the record, wala na kaming namamasdan na artista – baguhan man o datihan – na gumagawa nito, lumalapit sa mga reporter, sinasabi ang pangalan, at nakikipag-shake hands.

Kaya naman agad minahal ng mga reporter ang bagong leading man ni Jennylyn sa Pinoy adaptation ng hit Korean series.

Lalo pang nagustuhan si Gil dahil marunong makipagbiruan sa mga reporter. May shower scene kasi siya sa My Love From The Star, kaya biniro siya ng mga reporter na baka may lalabas siyang sex video scandal sa mga darating na araw.

Sa halip na “wala” ang isagot, ang sabi niya, “wala…pa” at saka tumawa.

“Wala talaga akong ganu’n at wala akong balak,” paniniyak na bawi ng newcomer.

Hindi rin napikon si Gil nang i-open ng press ang mga pintas sa kanya ng bashers, na hindi siya marunong umarte, at parang wala siyang emosyon sa kanyang mga eksena.

“Alien kasi si Matteo Domingo (ang karakter niya), kaya wala siyang emotion. As the show develop, magkakaroon na siya ng emotion. ‘Yung time na magkakagusto na siya kay Steffi Chavez (Jennylyn). Unti-unti ninyong makikita ang emotion ni Matteo, lalabas din ‘yun,” paliwanag ni Gil.

Biggest break sa TV ni Gil ang My Love From The Star, kaya ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang best niya para maging successful siya sa acting.

“Gusto kong gawing profession ang acting, pero hindi ko pa rin iiwan ang modelling, it’s my bread and butter. Showbiz is new to me, ang dami ko pang dapat malaman,” sabi ng binata.

Sa May 29 ang pilot ng TV series nila ni Jennylyn. At dahil ang Destined To Be Yours ang papalitan nito, ibig sabihin, nasa second slot ito sa programming ng GMA-7 at mapapanood pagkatapos ng Mulawin vs Ravena at bago ang Meant To Be. (nitz miralles)