Felicity Jones, engaged na sa BF na filmmaker?

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Felicity copy copy

MAUGONG ang bali-balitang engaged na ang Oscar nominee na si Felicity Jones sa kanyang longtime boyfriend.

Dalawang taong nang kasintahan ng bituin ng Rogue One: A Star Wars Story ang director na si Charles Guard at kamakailan ay nag-propose ang huli, ayon sa Us Weekly.

Sinisikap ni Felicity, 33, na mailayo ang kanyang personal life sa spotlight, at piniling mag-solo sa Met Gala sa New York City nitong unang bahagi ng buwan.

Wala pang komento ang mga kinatawan ng bituin kaugnay sa balitang engagement.

Hindi man inamin ni Felicity sa publiko ang kanyang relasyon kay Charles, aminado naman siya sa kanyang pagiging hopeless romantic.

“I am definitely romantic and I love romantic stories – that’s why I keep making romantic movies,” sabi ng noo’y single star sa The Telegraph noong Disyembre, 2014 nang i-promote niya ang The Theory of Everything. “It’s funny how seeing a love story never gets boring because it’s the dream, isn’t it? It’s the dream to have a true connection with another human being.”

Kamakailan ay ibinahagi rin ng aktres ang kanyang pananaw kung paano maapektuhan ng pagiging ina ang kanyang Hollywood career.

“Fortunately, I feel like we’re in a new era, where it is empowering rather than limiting to have children,” paliwanag niya sa Harper’s Bazaar magazine. “From what I can see from friends and relatives, women get stronger and more decisive from having children, they don’t waste their time doing things they don’t want to.”

Kung sakaling totoo nga ang engagement news, ito ang unang pagpapakasal ni Felicity. (Cover Media)