Coco, dapat tularan ng ibang matagumpay na tao

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Coco copy copy

KASUNOD ng announcement ng Dreamscape Entertainment na extended hanggang 2018 ang FPJ’s Ang Probinsyano, kumuha sila ng marami pang seasoned actors na isasali sa cast ng aksiyon-serye.

Sila ang sunod na bubulaga sa top-rating Kapamilya serye.

Sa latest Instagram ng Dreamscape, papasok ang magagaling na artistang kinabibilangan nina Angel Aquino, Sid Lucero, Ejay Falcon, Jhong Hilario, John Arcilla, Lito Lapid at anak na si Mark Lapid.

“Another chapter soon,” nakasaad sa caption.

Gaya ng nasabi ni Coco Martin noon, kasiyahan niyang makita na umaakting ulit ang mga batikan nating artista na tila nakakalimutan na ng panahon.

Bahagi ng pagtulong ni Coco sa co-actors na mabigyan silang muli nang pagkakakitaan, kaya sa mahaba-habang extension ng Ang Probinsyano ay tiyak na marami ang matutulungan at magsisilbi ring inspirasyon sa lahat, ang pagdamay ni Coco sa ilang inactive nang kasamahan sa entertainment industry.

Hindi ba naman dapat lang itong tularan ng successful people sa iba’t iba pang industriya? (ADOR SALUTA)