Angel at Dimples, tampok sa espesyal na two-part episode ng ‘MMK’

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Dimples copy copy

DALAWANG ina, isang anak, at dalawang magkaibang kuwento ng pag-aaruga at paglaban para sa karapatan bilang ina.

Ito ang espesyal na handog ng Maalaala Mo Kaya sa two-part episode na pagbibidahan nina Angel Locsin at Dimples Romana simula ngayong gabi.

Sa unang bahagi, saksihan muna ang kuwento sa pananaw ni Teresa (Dimples), isang babaeng walang ibang hinangad kundi magkaroon ng masaya at buong pamilya. Kahit salat sa buhay, pinilit nila ng kanyang asawang si Alfredo (Dominic Ochoa) na buhayin at busugin ng pagmamahal ang kanilang mga anak.

Ngunit isang araw, biglang naglaho ang kanilang bunsong anak na si Topher at umano’y naging biktima ng pandurukot. Hahanapin ni Teresa ang anak, sinuyod ang lahat ng mga kalsada sa pag-asang makita ito subalit sa kasamaang-palad ay wala siyang nakita ano mang bakas nito.

Lingid sa kaalaman nilang mag-asawa, napunta ang kanilang supling sa babaeng nagngangalang Rocma (Angel) at dinala ito sa kanyang probinsya sa Lanao.

Magkasama pa kayang muli ang mag-ina? Hanggang kailan hahanapin ni Teresa ang nawawalang anak? Bakit nagawang kunin ni Rocma si Topher? Ano kaya ang bersiyon ni Rocma sa nangyari?

Makakasama rin nina Angel, Dimples at Dominic sa upcoming episode sina Iñigo Delen, Kylie Alcantara, Tanya Gomez, Jennifer Mendoza, Kristofer King, Mara Lopez, Lance Lucido, at Negi. Ang special episode na ito ay mula sa panulat nina Benson Logronio at Arah Badayos at sa direksiyon ni Nuel Naval. Ang MMK ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Panoorin nang libre ang latest episodes nitosaiwantv.com.ph o skyondemand.com.phpara sa Sky subscribers.