Tulak, 12 taong kalaboso

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Hinatulan ng korte ng 12 taon at apat na buwang pagkakabilanggo ang isang lalaki na napatunayang nagbenta at gumamit ng ilegal na droga sa Nueva Ecija.

Sinentensiyahan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 38 ng San Jose City si Alvin Balucanag y Quiambao, nasa hustong gulang, matapos mapatunayang nagkasala sa paglabag sa Sections 5 (pagbebenta ng droga) at 15 (paggamit ng droga) ng Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

Mayo 17 nang lagdaan ni Judge Leo Cecilio D. Bautista, ng RTC Branch 38, ang hatol kay Balucanag, na pinagmumulta pa ng P300,000 ng hukuman. (Light A. Nolasco)