Paslit nalunod sa pool

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

BATANGAS CITY – Patay ang isang limang taong gulang na lalaki matapos umanong malunod sa swimming pool ng isang resort sa Batangas City.

Kinilala ang biktimang si Khimy Anthony Gab Escarez, na dead on arrival sa Jesus of Nazareth Hospital sa lungsod.

Ayon sa report ng grupo ni SPO2 Tom Falejo, bandang 4:30 ng hapon nitong Martes nang madiskubreng nalunod ang bata sa swimming pool ng Vista De Fuente Resort sa Barangay Ilijan, Batangas City. (Lyka Manalo)