Mangingisda sugatan sa tambilawan

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

KALIBO, Aklan – Isang 28-anyos na mangingisda ang isinugod sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital sa bayan ng Kalibo matapos itong masugatan sa mukha dahil sa isdang tambilawan.

Kinilala ng ospital ang biktimang si Reynante Bionita, tubong Antique.

Ayon kay Bionita, nangingisda siya sa karagatan malapit sa Aklan kasama ang mga kasamahan nang biglang lumundag sa kanya ang isdang tambilawan at nasugatan siya sa mukha.

Ang isdang tambilawan ay may mahaba at matulis na nguso. (Jun N. Aguirre)