Kinaliwa, ninakawan ni mister

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

PANIQUI, Tarlac – Matapos na ipagpalit ng isang 31-anyos na lalaki ang kanyang misis sa ibang babae ay nagawa pa niyang pagnakawan ito ng malaking halaga ng pera sa Barangay Abogado sa Paniqui, Tarlac, nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa report na tinanggap ni PO1 Clary Rirao, mismong ang misis ang nakahuli umano kay Jasson Russ Fernandez, ng Bgy. Balaoang, habang kasama sa isang hotel sa Bgy. Estacion ang sinasabing kalaguyo nito.

Sinabi ni PO1 Rirao na matapos na dumanas ng trauma ang ginang dahil sa nangyari ay nagawa pa itong tangayan ng mister ng hindi tinukoy na halaga bago tuluyang abandonahin.

Ikinasal noong 2002, ang mag-asawa ay may apat na anak. (Leandro Alborote)