Inaagawan ng asawa, binaril pa

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

STA. ROSA, Nueva Ecija – Labis na pagmamahal ang nagtulak sa isang lalaki upang mamaril ng dalawang katao matapos niyang kaladkarin ang babaeng nililigawan na kinakasama ng isa sa mga biktima sa Barangay Soledad sa Sta. Rosa, Nueva Ecija, nitong Martes ng gabi.

Sa ulat ni Chief Insp. Jeffry Alivia, hepe ng Sta. Rosa Police, dakong 7:30 ng gabi nang dumating si Deal Mendez, alyas “Allan”, tubong Ibajay, Aklan, sa bahay nina Ricky Fernando Agustin at Ricky Agustin Luces.

Kinaladkad umano ni Mendez ang nililigawang si Daisylin Pallada Poses, 29, laundry woman, at live-in-partner ni Agustin.

Nang kumprontahin si Mendez ay bigla na lang itong namaril at tinamaan sa hita at katawan sina Agustin at Luces bago tumakas. (Light A. Nolasco)