Dating pusher binoga sa ulo

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

TARLAC CITY – Marahas na kamatayan ang sinapit ng isang dating tulak makaraan itong itumba ng riding-in-tandem criminals sa harap ng kanyang anak sa Block 4, Barangay Banaba, Tarlac City, kahapon ng umaga.

Nagtamo ng malubhang tama ng bala sa ulo si Bon Ryan Quiambao, 39, may asawa, ng Bgy. Balibago 2nd, Tarlac City.

Dakong 8:40 ng umaga at sakay sa motorsiklo si Quiambao angkas ang anak na babae patungo sa highway ng Bgy. Banaba nang magkaproblema sa sasakyan kaya pansamantala silang tumigil sa gilid ng kalsada.

Habang iniinspeksiyon ng biktima ang motorsiklo ay dumating ang riding-in-tandem criminals at binaril sa ulo si Quiambao, habang natulala naman ang anak nito. (Leandro Alborote)