Temer, huli sa voice recording

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

BRASILIA (AFP) – Nahaharap si Brazilian President Michel Temer sa panawagang bumaba sa puwesto nitong Miyerkules matapos iulat ng isang pahayag na nakuhaan siya ng voice record na pinag-uusapan ang bayad para patahimikin ang isang tiwaling politiko. Kaagad na itinanggi ni Temer ang ulat ng pahayagang O Globo.

Nakasaad sa ulat na nakipagkita kay Temer si Joesley Batista, ang executive ng meatpacking giant na JBS, noong Marso 7. Sa kanilang pagpupulong, diumano ay inirekord ni Batista ang sarili habang sinasabi kay Temer na magbabayad siya ng pera para patahimikin si dating lower house speaker Eduardo Cunha, na nakakulong na sa salang tumanggap ng milyun-milyong dolyar bilang suhol sa Petrobras scandal ng Brazil. Ayon sa salaysay, sinabi ni Temer kay Batista na: “You need to keep doing that.”

Naglabas ng pahayag ang opisina ni Temer na nagsasabing: “President Michel Temer never solicited payments to obtain the silence of former deputy Eduardo Cunha.”

Hindi binanggit ng Globo kung saan nito nakuha ang impormasyon.