Pagsabog sa shipyard, 6 ang patay

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

CARTAGENA (AFP) – Anim katao ang namatay at 23 iba pa ang nasugatan sa mga pagsabog sa mga pagawaan ng barko sa Colombia nitong Miyerkules, sinabi ng mga opisyal.

Nangyari ang mga pagsabog sa mga pagawaan ng barko sa daungan ng Cartagena. Iniimbestigahan na ng pulisya kung ito ay aksidente o pag-atake. “There were three explosions, two of them at the same spot,” sabi ng spokeswoman ng lokal na pulisya.

Dalawa sa mga pagsabog ang naganap sa US shipbuilder na Astivik. Ang ikatlo ay yumanig sa bakuran ng Colombian naval corporation na Cotecmar.

Mabilis namang naapula ng mga bombero ang mga sunog na idinulot ng mga pagsabog.

May hinala ang mga opisyal na ang pagsabog ay maaaring sanhi ng pag-apoy ng gas sa loob ng mga barko na nasa shipyard.