Dilangalen, suspendido

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Suspendido na sa serbisyo si incumbent Northern Kabuntalan, Maguindanao Mayor Datu Umbra Bayam Dilangalen dahil sa hindi magkakatugmang impormasyon sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) noong 2009 at 2010.

Napatunayan ng Office of the Ombudsman na nagkasala ang alkalde sa kasong Simple Neglect of Duty, nang hindi nito idineklara sa kanyang 2009 SALN ang bahay sa Cotabato City at sa Kabuntalan, lupain sa Cotabato City, dalawang kotse, at mga pagkakautang sa GSIS, Landbank, at pakotse. Hindi rin idineklara ni Dilangalen sa kanyang 2010 SALN ang bahay niya sa Cotobato City at lupang sakahan sa Kapimpilan/Kabuntalan. (Rommel P. Tabbad)