Dagdag na weight class sa UFC

Filed under UFC Balita RSS RSS Feed

LAS VEGAS (AP) — Ilulunsad ng UFC ang bagong division na 125-pound para sa kababaihan (flyweight).

Ito ang ikaapat na weight class sa kababaihan sa UFC mula nang isama ang women’s class noong 2013. Patuloy ang pagyabong ng popolaridad ng women’s mixed martial arts bunsod nang matagumpay na kampanya ni Ronda Rousey sa nakalipas na taon.

Ang unang 125-pound champion ay mapipili sa gaganaping “The Ultimate Fighter,” ang reality show ng UFC sa Hulyo.

Hinikayat ng UFC ang lahat ng pro MMA fighter sa buong mundo na lumahok sa torneo.

Magsasagawa rin ang UFC ng open tryout sa Mayo 23 sa Las Vegas.

Isinama ng UFC ang 115-pound strawweight division noong 2014 at idinagdag ang 145-pound bantamweight division ngayong season.

Ayon kay UFC President Dana White, pinag-aaralan nila ang pagdagdag ng 125-pound division sa nakalipas na buwan.