Hulascope – May 8, 2017

Filed under Hulascope Balita RSS RSS Feed

ARIES [Mar 21 – Apr 19]
Isang sad memory ang magiging distraction mo today. Okay lang ‘yan, walang permanente.

TAURUS [Apr 20 – May 20]
Parents mo ang iyong superheroes. Tigilan na ang pande-dedma sa kanila.

GEMINI [May 21 – Jun 21]
Matuto ka sanang tumanaw ng utang na loob. And’yan lang sa kanto si Karma.

CANCER [Jun 22 – Jul 22]
Makikilala mo today ang isang taong babago sa iyong buhay. ‘Wag kang maniwala sa Hulascope mo today.

LEO [Jul 23 – Aug 22]
Piliin mo minsan ang makinig kaysa magsalita. Kaya nga pareho lang ang letters sa ‘listen’ at ‘silent’.

VIRGO [Aug 23 – Sep 22]
Haharap ka sa panel of judges today at hindi ka prepared. Patay!

LIBRA [Sep 23 – Oct 22]
‘Wag munang magbilang ng chicks kung hindi pa napipisa ang eggs. Gets?

SCORPIO [Oct 23 – Nov 21]
Sobra kang madi-disappoint sa isang tao na pinagtiwalaan mo nang bongga. ‘Wag kasing mag-expect.

SAGITTARIUS [Nov 22 – Dec 21]
Makakapa mo later na numipis na pala ang dating napakatambok mong wallet. Panic mode on!

CAPRICORN [Dec 22 – Jan 19]
Babalikan mo today ang isang passion na akala mo ay nakalimutan mo na. You’re born to be successful.

AQUARIUS [Jan 20 – Feb 18]
Tumatagilid ang bangka—pabor sa ‘yo! Pakinggan ang intuition, simulan na ang Plan Z.

PISCES [Feb 19 – Mar 20]
Isang espesyal na tao ang lalo lang nagiging espesyal sa ‘yo as time goes by. Truth is, siya talaga ang para sa ‘yo, nakuha na nga lang ng iba.