Zanjoe at Bela, nag-road trip papuntang Bataan

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ZANJOE AT BELA copy

WALANG taping sa Anvaya Cove sa Morong, Bataan ang teleseryeng My Dear Heart nitong nakaraang Holy Week kaya malamang na nag-road trip sina Zanjoe Marudo at Bela Padilla patungo sa nasabing resort noong Abril 12.

Ayon sa aming source, balikan daw ang road trip dahil kinabukasan ay lumipad si Bela patungong Bangkok, Thailand para dalawin ang kanyang daddy na doon na naka-base.

Tinanong namin ang netizen na nagpadala sa amin ng road trip video nina Zanjoe at Bela, “Sa IG stories po ni Bela, hindi na po iyon mahahanap kasi mawawala after 24 hours,” sagot sa amin.

Sa madaling sabi, hindi na rin ikinakaila ni Bela na lumalabas na sila ng leading man niya sa My Dear Heart.

Ang cute nga ng road trip video nila dahil sinasabayan ni Zanjoe ang awiting Toyang ng Eraserheads habang sinasabayan naman ng kumpas ng ulo ni Bela at pareho pa silang naka-baseball cap, dark blue sa aktor at itim naman sa aktres.

Kaya pala ganoon na lang kasaya si Bela nang sabihin niyang botong-boto siya kay Angel Locsin para sa ex-boyfriend niyang si Neil Arce dahil nga mayroon na rin siyang ibang idini-date.

Sabi pa ng netizen na nagpadala sa amin ng road trip video ng dalawa, “Baka po after ng My Dear Heart saka sila aamin.”

Hmmm, puwede rin naman. Kasi, ito naman lagi ang sinasabi ng aktres, na hintayin na lang kung pareho pa rin ang trato nila nila sa isa’t isa ni Zanjoe pagkatapos ng teleserye. (REGGEE BONOAN)