UFCC Cocker of the Year, nakataya ngayon sa LPC

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

MASASAGOT ang malaking katanungan kung sino ang hihiranging UFCC Cocker of the Year sa pagdaraos ng 7-cock derby para sa ika-7 at huling bahagi ng 2017 UFCC Cock Circuit sa Las Piñas Coliseum. Mayroong 102 sultada ang magbabanggaan na magsisimula sa ganap na alas onse ng umaga.

Sa pangunguna ng Ultimate Fighting Cock Championships, ang 2017 UFCC Cock Circuit ay inihatid sa tulong ng Thunderbird Platinum, Resorts World Manila at Solaire Resorts & Casino.

Ang umaatikabong bakbakan ay inaasahan kung saan ang mga nangunguna sa labanan ay mahigpit na paglalaban ang jackpot.

Si Ka Luding Boongaling (LB Candelaria) na may 23 puntos ang kasalukuyang nangunguna na sinundan ni CJ Monarch at RJM na may 21.5 puntos bawat isa.

Pumapangatlo na may 19.5 puntos ang Sta. Maria Abada GR, pang-apat na may 19 puntos bawat isa ang Apr. 5 sa SJC Dayang-dayang at April 29 Lucena. Sa ika-limang puwesto naman ang Fiscalizer at AAO na parehong may tig 18.5 puntos bawat isa.

Samantala, tuloy na tuloy na ang pagdaraos ng 2017 World Pitmasters Cup2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby sa darating na Mayo 14, 15, 16, 17, 19 at 20 sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila, kung saan patuloy ang pagdagsa ng cockhouse reservations.

Bukod sa P15M guaranteed cash prize, mamimigay din ng bagong Mitsubishi Strada GL 4×2 M/T pick-up truck para sa handler ng magka-kampeon na entry. Ang entry fee ay P88,000, at ang minimum bet ay P55,000.

Ang promosyong ito ay sa pangunguna pa rin nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea sa pakikipagtulungan nina Lando Luzong at Eric dela Rosa.