Spurs, nagurlisan ng Grizzlies

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

MEMPHIS (AP) – Dinaig ng Grizzlies, sa ratsada ng trio nina Mike Conley, Marc Gasol, at Zach Randolph, ang San Antonio Spurs, 105-94, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Game 3 ng kanilang Western Conference playoff series sa
FedEx Forum.

Nagtumpok ng 20 plus puntos sina Conley, Gasol at Randolph para bigyan ng kasiyahan ang home crowd at tapsayin ang bentahe ng Spurs sa 1-2 sa kanilang best-of-seven playoff match.

Nalimitahan ng Grizzlies si Kawhi Leonard sa 16 puntos.

Matikas ang simula ng Memphis sa 8-0 sa pagsisimula ng third period dahilan para sa 81-63 bentahe na napalobo ng Grizzlies sa 22 puntos sa final period.

Kumana si LaMarcus Aldridge ng 16 puntos at 11 rebound, habang tumipa si Patty Mills ng 11 para sa Spurs.