Charlie Puth sa social media: We should not rely on it for self approval

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Charlie copy

TULAD din ng kanyang bagong single, hindi naghahanap ng babae si Charlie Puth na naghahanap ng maling uri ng “Attention.”

“We’re in a world of Facebook and Instagram,” paliwanag ng mang-aawit sa People nang ilunsad ang kanyang single na Attention. “If you get a ‘like,’ you get this rush of dopamine to your mind. Social media is important, but we should venture out a little bit and not rely on it for self approval.”

Hindi naman sa ayaw sa social media ni Puth sa kabuuan. “There is nothing wrong with Instagram,” aniya. “It’s a huge reason for my social presence, but it’s also important to counter that with nature walks.”

Dugtong pa niya: “It’s so important to realize your surroundings. If we’re going on a hike and you’re running around trying to get in shape, smell the air in the nature. You don’t have to always look in your phone. That’s the main thing.”

Bukod sa usaping social media, inamin din ni Puth na hindi nagtagumpay ang kanyang mga nakaraang relasyon dahil hindi pa siya nakahandang magbigay ng buong commitment. “Maybe at that time, I couldn’t give it all to them because I (was) focused on my career,” ani Puth. “There are a lot of different takes.”

Sa ngayon, nag-i-enjoy ang musikero sa pagsusulat ng kanta at excited na rin siya sa paglabas ng kanyang bagong album. Nang tanungin kung ano ang hinahanap niya sa babae pagdating ng tamang panahon, aniya, “Someone who’s cool.

I’ll just keep it at that.”