‘The Greatest Love,’ sumasalamin sa pamilyang Pilipino

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

'TGL' CAST Arron, Dimples, Joshua, Sylvia, Andi, at Matt copy

PINATUNAYAN ng kuwento ng pamilya ni Gloria (Sylvia Sanchez) na gaya ng pangkaraniwang pamilyang Pilipino, ang wagas na pagmamahal ng ina ang siyang may kakayahang bumuo sa pamilya hanggang sa huli.

Gaya ng pamilya Allegre, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa magkakapatid. Ngunit sa pagmamahal at sakripisyo ni Gloria, nagawa niyang pagbuklurin ang mga puso ng kanyang mga anak na sina Amanda (Dimples Romana), Paeng (Aaron Villaflor), Andrei (Matt Evans), at Lizelle (Andi Eigenmann) sa kabila ng kanilang pagkakaiba-iba.

Ipinaglaban din niya ang kanyang pag-ibig kay Peter (Nonie Buencamino) at pinatunayan na walang makahahadlang sa dalawang taong itinadhana.

Pagkatapos ng lahat na pinagdaanan, kinatawan ni Gloria ang tapang at katatagan ng bawat inang Pilipina. Hindi siya sumuko hanggang sa makamit niya ang kanyang hangaring mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

At ngayong buo na ang kanyang pamilya, sama-sama nilang sinusuklian ng pag-aaruga ang sakripisyong ibinigay niya habang patuloy na lumulubha ng kanyang Alzheimer’s disease. Pinupuno nila ng ligaya ang bawat araw ni Gloria at ipinapaalala ang masasayang nakaraan sa kanilang pamilya.

Ngunit patuloy pa rin ang unos sa kanilang buhay dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, binawian ng buhay si Peter, dahilan ng kanilang matinding pagluluksa.

Paano nga ba maiibsan ng pamilya Allegre ang hinagpis sa pagkamatay ni Peter? Ano naman kaya ang mangyayari kay Gloria ngayong pumanaw na ang kanyang pinakamamahal na asawa?

Huwag palampasin ang huling linggo ng hindi malilimutang kuwento tungkol sa pambihirang pagmamahal ng ina para sa kanyang mga anak sa The Greatest Love, na magtatapos na ngayong hapon pagkatapos ng The Better Half sa ABS-CBN or sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin ang past episodes ng programa sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/ thegreatestlovetv.