Sofia Andres at Diego Loyzaga, binigyan na ng big break ng Dos

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SOFIA AT DIEGO copy

ANG bagong seryeng Pusong Ligaw ang ipapalit sa The Greatest Love simula sa Lunes, Abril 24. Napakataas ng ratings ng TGL at tadtad ng sponsors, kaya tinanong ang mga bidang sina Beauty Gonzales, Joem Bascon, Sofia Andres at Diego Loyzaga kung hindi ba sila pressured at kung kaya ba nilang panatilihin ang maraming viewers ng papalitan nilang serye.

“Lagi nga pong sinasabi ni Direk Henry (Quitain) sa last interview, lagi naman kaming kinakabahan sa tuwing gumagawa kami ng teleserye kung magtatagal ang manonood, kung mamahalin nila ang bawat karakter namin, so, lahat laging may pressure. At the same time po, lagi rin naming iniisip na ibigay ang best namin kung ano ‘yung gustuhin ng tao at kung ano lang ‘yung gusto nila. At least, naibigay namin ang best namin ‘yung buong pagmamahal namin sa show, naipakita namin ‘yung buong karakter namin,” sabi ni Joem.

“Well, congratulations sa The Greatest Love, isang magandang story talaga na everytime na nanonood ako, umiiyak talaga ako,” tugon naman ni Beauty. “Naniniwala ako sa show namin kasi lahat ng mga direktor naniniwala sa amin at naniniwala ako sa story na maganda at naniniwala ako na papatok kami. ‘Daanin namin ito sa prayers.”

“Ako naman po, since first teleserye namin ito ni Diego, sobrang kinakabahan po ako,” sagot ni Sofia. “Natatakot din po talaga kung tatanggapin kami, itong teleserye namin nang buung-buo, ng manonood. Pero in a way din, half of me na hindi ako natatakot kasi alam ko na lahat kami determindado, na mahal namin ang trabaho. At ‘yung kuwento at karakter ng bawa’t isa ay makaka-relate ang manonood.”

“Almost exactly lang po ‘yung sasagutin ko,”sabi naman ni Diego. “Of course, may part doon na kinakabahan ka lalo kaming dalawa ni Sofia na baguhan kami, it’s our first time to be a lead in a telenovela. Pero nandoon po ‘yung fact na hindi lang ako kundi ‘yung mga kasama ko sa cast, mga direktor, mga staff namin, ‘binuhos namin ang lahat sa proyektong ito, so no matter what, we gave it our all already, so this is it, this is us. I think I can speak of in behalf for all of us na ang ganda ng show na ito and everybody will appreciate it,” magandang sabi ng baguhang aktor.

Ito ang launching project nina Diego at Sofia, kaya natanong sila kung ano ang pakiramdam pagkalipas ng mahabang panahon na paghihintay ng big break at natuloy na rin sila sa wakas sa Pusong Ligaw.

“Unang-una po, nagpapasalamat ako kay Lord kasi sinagot niya po ‘yung prayers ko at prayers namin ni Diego na hindi ko ma-explain ang feelings, eh. Ang alam ko, ‘yung pinakamataas na percent ng nararamdaman ko is sobrang saya ko, kasi finally ang tagal nito, two years naming hinintay na parang may times na matutuloy pa ba? Ang daming doubts, kung baga, nandito na kami, buo na ang casting, lahat may mga direktor na, nakikita ko na ‘yung tuluy-tuloy na ang proyektong gagawin namin, sobrang overwhelmed and blessed lang talaga,” pahayag ng dalaga.

“To be honest po at gusto ninyong malaman ang katotohanan, hindi ko po ini-expect na mangyayari ito,” sabi naman ni Diego. “Hindi ko ini-expect na matutuloy ito, hindi ko rin ini-expect na aabot ako dito, dito sa kinauupuan ko po ngayon sa harapan ninyong lahat.

“Dahil po kasi sa mga pagsubok na pinagdaanan ko sa mga nakaraang na buwan at taon. Siyempre mga personal na issue ‘yun. Nawala lang po ‘yung isip ko sa pag-aantay ng teleserye, nagulo lang ako ng konti. But I’m very, very happy to be here. I don’t know when is the time I’ve been happy in my life na nandito na ako, kasama ko ang mga ito, nakapagsimula na kami, nakita n’yo ba ‘yung trailer namin, napakaganda, ha-ha-ha. Alam mo ‘yun, there’s nothing more to be upset about, to be sad about, ang nakalipas, nakalipas na, masaya na ako kung nasaan man ako ngayon at happy talaga ako kasama ko talaga ang mga ito,” magandang pahayag ng binata. (REGGEE BONOAN)