San Beda basketball camp

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

BUKAS na ang pagpapatala para sa ikalawang session ng 2017 San Beda basketball camp.

Magsisimula sa Mayo 2 ang camp, nasa ika-12 season, sa Mendiola campus ng San Beda, habang sa Mayo 4 ang simula sa Taytay campus.

Sa mga nagnanais na maki-bahagi sa programa, makipag-ugnayan kina Oliver Quiambao sa tel. blg. 735-60-11 lokal 2104 o sa mobile no. 0929-197-1071, gayundin kay program head at coach Edmundo ‘Ato’ Badolato sa 0908-8624543.

Ang basketball camp ay ayuda sa isinagawang session nitong Marso. Pangangasiwaan ang camp ng mga coach ng San Beda.

Gaganapin ang klase sa Mendiola tuwing Martes at Biyernes ganap na 1:00 hanggang 4:00 ng hapon, habang ang Taytay session ay tuwing Lunes at Huwebes sa pareho ring oras.