RJ Mea, namayagpag; UFCC final leg sa LPC

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

ANG UFCC Cocker of the Year ay malalaman na bukas sa pagdaraos ng ikapito at huling bahagi ng 2017 UFCC Cock Circuit sa Las Piñas Coliseum.

Sa pangunguna ng Ultimate Fighting Cock Championships, ang 2017 UFCC Cock Circuit ay inihatid sa tulong ng Thunderbird Platinum, Resorts World Manila at Solaire Resorts & Casino.

Ang nakaraang 6th Leg 6-cock derby ay ginanap noong ika-30 ng Marso kung saan si RJ Mea ang naging solo champion.

Matatandaang siya rin ang namayani sa nagdaang 5th-Leg ng Circuit at sa isa pang 6-cock na labanan sa Tarlac.

Si Ramon Atayde (RRA/Andre) ang pumangalawa na may 5 puntos, Gerry Ramos (AAO) na may 4.5 at may tig-apat na puntos naman sina Tony Marfori (Swing 888 Poultry Suply), Anthony Lim/Ferdie Duecpec/Alex Ty (Apr. 29 Big Event Lucea/ATY Duhatan) at Raymond Burgos (Sta. Maria Abada GBD).

Ang makapigil hiningang pagtatapos para malaman kung sino ang tatanghaling Cocker of the Year ay dikit na pinaglalabanan ng LB Candelaria na may 23 puntos na sinundan naman ni CJ Monarch at RJM na may tig 21.5 puntos.

Pumapangatlo na may 19.5 puntos ang Sta. Maria Abada GR, pang-apat na may 19 puntos bawat isa ang Apr. 5 sa SJC Dayang-dayang at April 29 Lucena. Sa ika-limang puwesto naman ang Fiscalizer at AAO na parehong may tig 18.5 puntos.