Pinatay sa taga ng kainuman

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

STO. Tomas, Batangas – Patay ang isang 31-anyos na binata matapos umanong pagtatagain ng kanyang nakainuman sa Sto. Tomas, Batangas, nitong Miyerkules.

Dead on arrival sa St. Frances Cabrini Hospital si Reynante Fernandez, tubong Quezon at residente ng Barangay San Vicente, Sto. Tomas.

Nakatakas naman ang suspek na si Fernando Marantal, 19 anyos, at kalugar ng biktima.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office ( BPPO), dakong 6:00 ng gabi at nakikipag-inuman si Fernandez kay Marantal sa isang kubo nang umalis ang una upang bumili ng instant noodles.

Sinundan umano ng suspek ang biktima at pinagtataga gamit ang bolo, bago tumakas. (Lyka Manalo)