P1.4 – M marijuana na – checkpoint

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Nasa P1.4 milyon halaga ng marijuana ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Kapangan Police sa checkpoint, at dalawang hinihinalang drug courier ang nadakip sa Benguet, kahapon ng umaga.

Kinilala ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña ang mga inaresto na sina Emil Garcia y Comila, 23, ng Santol, La Union; at Leo Balang y Dominguez, 24, ng Kibungan, Benguet.

Base sa police report, dakong 5:55 ng umaga nang maharang sa checkpoint sa Sitio Lomon sa Barangay Paylek, Kapangan, ang sasakyan nina Garcia at Balang.

Nang siyasatin ng mga awtoridad ay nakumpiska sa dalawang suspek ang P1.4-milyon halaga ng 15 kilo ng pinatuyong dahon at mga tangkay ng marijuana. (Jun Fabon)